Target ng Philippine Coconut Authority (PCA) Region 2 na maipamahagi sa 254 coconut farmer beneficiaries ang hindi bababa sa 59K puno ng niyog ngayong taon sa ilalim ng Sustainable Coconut Planting and Replanting Project.

Ayon kay PCA Regional coordinator Jack Pagaran, tuloy-tuloy ang kanilang distribusyon sa mga benepisaryo na nakarehistro sa national coconut farmers registry system ng Baybay Tall na variety ng niyog na mula pa sa Baybay, Leyte.

Ang distribusyon ay mula sa munisipalidad ng Sta teresita, Camalaniugan, Pamplona, Lal-lo at Lasam habang ngayong Agosto ay target na maipamahagi ang hybrid coconut seedlings sa bayan ng Aparri.

Dagdag pa ni Pagarab na bukod sa pamamahagi ng seedlings, kabilang sa interbensyon na ginagawa ng PCA para mapataas ang kanilang produksyon at kita ay ang pagtuturo sa mga benepisaryo ng tamang pag-aalaga sa taniman at susunod na target ay ang pamamahagi ng pataba.

Aniya, pangatlo ang rehiyon dos sa buong bansa na may pinakamababang produksyon at production area sa 11,251 hectares.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang naman sa Top 5 coconut producing LGUs sa Cagayan ay ang Sanchez Mira, pamplona, Claveria, Calayan at Ballesteros.