CTTO

TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang isinasagawang rescue operation ng Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Office ng Cagayan partikular sa bayan ng Abulug at Ballesteros na nakakaranas ng pagbaha dahil tuloy-tuloy na pag-uulan.

Ayon kay Atanacio Macalan, head ng Pccdrrmo-Cagayan, nasa 20 pamilya ang kanilang inilikas na binubuo ng 120 individuals sa Brgy Sta rosa kahapon, araw ng huwebes, November 7, 2019 sa nasabing bayan.

Habang sa Brgy Cabayu naman sa bayan ng Ballesteros ay nasa limang pamilya ang kanilang inilikas na binubuo ng 19 na indibidwal habang 18 pamilya naman ang inilikas sa Brgy San Juan na binubuo ng 60 individual.

Kaugnay nito, sinabi ni Macalan na dinala ang mga pinalikas sa matataas na brgy sa nasabi ring bayan para doon pansamantalang magpalipas ng gabi.

Sinabi ni Macalan na muli nilang ipagpapatuloy ang rescue operation ngayong araw, November 8,2019 sa iba pang brgy dahil madami pa aniya ang kailangang ilikas dahil sa lawak ng nararanasang pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --