Inatasan ngayon ng Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction Management Office ang mamamayan sa Cagayan na ilipat na sa ligtas na lugar ang mga alagang hayop bilang paghahanda sa bagyong Jenny.

Ipinaalala ni Ret. Col. Anatacio Macalan, head ng PCCDRRMO na magsilbing aral ang nangyaring pagka-anod ng maraming hayop sa Ilocos Norte sa pananalasa ng bagyong Ineng.

Bukod dito, ipinatupad na rin ng pamahalaang panlalawigan ang liquor ban upang matiyak ang paghahanda ng mamamayan sa bagyo.

Patuloy rin na minomonitor ng PCCDRRMO ang lebel ng tubig sa Cagayan river sa nagpapatuloy na mga pag-ulan sa lalawigan.

Samantala, dalawang local flights ang kinansela ngayong araw hanggang bukas sa Tuguegarao City Airport dahil sa sama ng panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Macalan na nananatiling suspendido ang klase sa pre-school hanggang High School sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan, bukas, August 28.

Handa na rin ang mga family food packs na ipapamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGU’s) na apektado.

Sinabi ni Chester Trinidad, tagapagsalita ng DSWD RO2 na mayroong 27,092 family food packs ang naka standaby sa kanilang warehouse para sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.

Laman nito ang 6 kilos ng bigas, 4 tin cans ng corned beef o meatloaf, 4 tin cans ng sardines, 6 sachet ng kape o energy drink na para sa limang miyembro ng pamilya na sapat sa dalawang araw.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, inaasahan na tatama sa lupa ang bagyong Jenny mamamayang gabi o bukas ng umaga sa Aurora.

Narito ang mga lugar sa Luzon na nakataas ang Tropical Cyclone Signal:

Signal no. 2

* Isabela

* Aurora

* Quirino

Signal number 1

* Cagayan

* Nueva Vizcaya

* Apayao

* Abra

* Kalinga

* Mountain Province

* Ifugao

* Benguet

* Ilocos Norte

* Ilocos Sur

* La Union

* Pangasinan

* Nueva Ecija

* Tarlac

* Zambales

* Bataan

* Pampanga

* Bulacan

* Metro Manila

* Rizal

* Polillo Islands at Alabat Island

* Cavite

* Laguna

* Camarines Norte

* Camarines Sur

* Catanduanes

Payo naman ng PAGASA sa publiko na nakatira malapit sa mga flash flood area at landslide area na magingat dahil maaaring mag dulot ng pagbaha at landslide ang pagbuhos ng ulan.

Paalala naman ng PAGASA sa mga local disaster risk reduction and managent coucil na bantayan ang kanilang mga weather update para makaiwas sa sakuna na dala ng masamang lagay ng panahon.