Tuguegarao City- Nakikipag-ugnayan na ang Cagayan Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction and Management Office (PCCDRRMO) sa lahat ng tanggapan ng bawat munispalidad upang maihatid ang mga na stranded na mag-aaral dahil sa umiiral na Enhance Community Quarantine (ECQ).

Sa panayam kay Atacio Macalan Jr. head ng nasabing tanggapan, bahagi ito ng direktiba ni Gov. Manuel Mamba sa kanilang tanggapan kaugnay inilabas nitong Executive Order No. 18.

Aniya, sakaling pairalin na ang general community quarantine sa Cagayan ay maaari ng ihatid ang mga mag-aaral sa kanilang mga tahanan.

Inihayag pa ng opisyal na tanging sa bayan ng Baggao lamang ang hindi maaaring maghatid dahil sa 2 mga barangay ang nakasailalim sa total lockdown at bahagi ng mandato sa lugar na bawal magpalabas ay magpapasok upang makaiwas sa pagkalat ng virus.

Samantala, umapela naman ito ng tulong sa tanggapan ng LGU Tugegarao na tumulong sa pagprovide ng mga sasakyan na maaaring gamitin sa paghatid sa mga mag-aaral.

-- ADVERTISEMENT --