Tuguegarao City- Pabor ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Region 2 na isailalim sa RT-PCR testing ang mga mangagagwa sa bawat business sectors.

Ito ang reaksyon ni Cloyd Velasco, Regional Governor ng PCCI matapos ipalabas ng DOLE at DTI ang isang memorandum circular hinggil sa naturang hakbang.

Ngunit sinabi nito na kung sakaling ipapabalikat sa mga kumpanya ang gastos dito ay maaaring lalo pa silang makaapektohan ngayong panahon ng pandemya.

Ipinunto pa ni Velasco ang umano’y “conflicting statement” sa inilabas na kautusan at isa na rito ang hindi klarong statement ni DOLE Sec. Silvestre Bello III kung kakayanin ba ng philhealth na akuin ang gastos dito.

Sinabi pa niya na hindi rin dapat na pagbayarin ang mga empleyado para sa nasabing proceso.

-- ADVERTISEMENT --

Nakasaad din aniya sa memorandum circular na ang focus ng nasabing proceso ay para sa mga medium at large companies lamang.

Paliwamag niya na bagamat maganda ang layunin upang maiwasan ang pagkahawa ng mga mangagawa sa virus ay kailangang maging malinaw ito para sa mas epektibong hakbang na maipatutupad.

Kaugnay nito ay sinabi niya na kanila ring pag-aaralan ang nasabing kautusan para sa iba pang mga rekomendasyon.

Samantala, inihayag pa ni Velasco na sa gitna ng pandemya ay maganda naman ang pag-diversify ng mga negosyo sa rehiyon at hindi mahirap ang pagpromote nito dahil sa magandang agricultural place ng lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa kanya ay paunti-unti namang bumabangon ang ekonomiya ng Region 2 at sa tantiya umano ng kanilang grupo ay maaaring ng bumalik ang dating paraan ng pagnenegosyo mula anim na buwan hanggang isang taon.