TUGUEGARAO CITY-Pinaalalahanan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry(PCCI) Region 2 ang kanilang mga miembro na nagsara ng kanilang mga negosyo na bayaran ang kanilang buwis na hindi pa nabayaran.
Ayon kay Cloyd Velasco,Regional Governor ng PCCI Region 2, ilan umano sa mga nagsara ng kanilang mga negosyo ay hindi naisara ang kanilang mga records sa bayarin sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Aniya, pinabayaan umano ng ilang mga negosyante ang kanilang babayarang buwis kung kaya’t ito’y lumaki.
Samantala, aminado si Velasco na ang ilan sa kanilang mag miembro ay kulang ang kaalaman sa pagnenegosyo kung kaya’t ito’y nalulugi at nauubusan ng capital.
Aniya, bagamat wala na umanong maibibigay na tulong pinansyal ang kanilang ahensiya, handa naman umano silang magbigay libreng konsultasyon para hindi na muling maulit ang pagkalugi ng negosyo.