Iminungkahi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Region 02 na masusing pag-aralan ang isinusulong na dalawang taong probationary employment period para sa mga pribadong manggagawa.
Ayon kay Regional Governor Cloyd Velasco ng PCCI RO2 na pabor sa mga negosyante ang panukalang two-year probationary period ni Probinsyano Ako Partylist Rep. Jose Singson.
Napapanahon aniya ang house bill 4208 ni Singson dahil mayroong adjustment period para maka-adapt ang isang aplikante lalo na sa mga hindi tugma ang tinapos na kurso sa pinasukang trabaho.
Subalit, kailangan umanong pag-aralan itong mabuti upang hindi maisakripisyo ang kapakanan ng mga private workers lalo na at may mga ibat ibang panukalang batas na isinusulong para mawakasan ang endo o kontraktuwalisasyon.
Matatandaan na tinutulan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ilang senador ang extension ng probationary period dahil naniniwala sila na sapat ang anim na buwan para makita kung epektibo sa kaniyang trabaho ang isang aplikante.
Sa kabila nito binigyang diin ni singson na hindi niya iuurong ang kaniyang panukala dahil tiwala siya na pro-labor ito at dumadami na umano ang sumusuporta dito.
Local Rep 3 Oct 22
Malaking tulong para sa mga Ivatan na biktima ng kambal na pagyanig ang tinanggap ni Governor Marilou Cayco na cash assistance mula sa Police Regional Office II.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ng gubernadora na mapupunta sa mga biktima sa bayan ng Itbayat ang P900,000 cash assistance na naipon ng PRO-02 sa isinagawang fun run nitong buwan ng Setyembre.
Kasabay ng pasasalamat, naging emosyonal si Cayco sa pagkukuwento sa harap ng PNP ang sinapit ng Itbayat sa lindol na ikinasawi ng siyam na katao at pagkasugat ng 68.
Nasa 268 ang nawalan ng tirahan, bukod pa sa mga nasirang imprastruktura.
Sa naturang halaga, sinabi ng gubernadora na malaking tulong ito para sa isinasagawang rehabilitasyon sa mga biktima lalo na sa kanilang mga nasirang baha