Handa na ang Philippine Coastguard District North Eastern Luzon sa pagdagsa ng mga pasahero sa pantalan na uuwi sa paggunita ng Undas.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Capt Lyndon Cendreda, deputy commander na may itinalagang public assistance center (PAC) sa pantalan na nagbibigay ng ayuda sa mga pangangailangan ng mga pasahero.
Ayon kay Cendreda na nasa humigit kumulang 250 na pasahero ang dumadating sa pantalan ngunit mas inaasahan ang pagdami ng pasahero habang papaapit ang paggunita sa Undas.
Kasabay ng pagtataas sa alerto, naghigpit ang PCG sa isinasagawang inspeksyon sa mga barko at sasakyang pandagat upang matiyak na hindi ito overloaded o ligtas itong pumalaot.
Paaalala pa ni Cendreda sa mga biyahero na iwasang sumakay sa mga kolorum na bangka.