Nakatanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng uncrewed surface vessel (USV) mula sa Global Maritime Crime Program (GMCP) ng United Nations Office on Drugs and Crime.

Ang PCG ang kauna-unahang maritime security organization sa Southeast Asia na magkaroon ng nasabing vessel para sa mas magaling na pagkolekta ng mga datos mula sa himapapawid at katubigan.

Sinabi ng UNODC-GMCP na nagsagawa sila ng garbor acceptance test at sea acceptance trial ng USV sa Subic, Zambales.

Sinabi ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA)ng United States, ginawa ang USVs para galugarin ang ibabaw ng dagat para kumuha ng oceanographic at atmospheric data.

Ayon sa Noaa, puwedeng i-program o kontrolin ng operators ang USVs sa katubigan para sa pagsasagawa ng pre-planned missions.

-- ADVERTISEMENT --