Inilunsad ng Philippine Cost Guard ang kauna unahang programa na task force ingat yamang dagat to combat marine pollution in northeastern luzon na naglalayong protektahan at pangalagaan ang malinis na kapaligiran sa dagat.

Ayon kay Coastguard Ryan Jose Arellano, ng coastguard district northeastern luzon, layunin ng nasabing programa na malabanan ang mapaminsalang epekto ng polusyon sa karagatan.

Mahalagang mabigyan aniya ng pag iingat ang ating yamang dagat dahil ito ay nagbibigay ng mga makakain sa araw araw at kagandahan sa ating bansa.

Nakipag ugnayan rin ang PCG sa mga iba’t ibang agencies partikular na sa mga local government unit (lgu)upang maging posible ang nasabing programa.

Bagama’t wala pang natatanggap na mga report sa substations sa northeastern luzon ay patuloy parin ang gagawing monitoring at pagpapatupad ng mga batas na kakailanganin upang mas lalo pang maprotektahan ang ating likas na yaman.

-- ADVERTISEMENT --

Ilan sa mga hakbang na gagawin ngayon ng PCG upang maipatupad ang mga alituntunin sa nasabing programa ay gaya ng oil response training, nationwide maritime awareness seminar, coastal surveillance initiative at marami pang iba.