
Taos‑pusong nakikiramay ang buong Philippine Coast Guard (PCG) sa pamilya ni Lieutenant Junior Grade Glennick Ytang, 32-anyos isang opisyal ng Coast Guard na nasawi matapos barilin sa Barangay Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay noong Enero 15, 2026.
Batay sa paunang imbestigasyon, si Ytang ay nasa loob ng kanyang sasakyan nang pagbabarilin nang maraming beses ng isang hindi pa nakikilalang salarin.
Si Ytang ay nakatalaga bilang Station Commander ng Coast Guard Station Zamboanga Sibugay sa ilalim ng Coast Guard District Southwestern Mindanao.
Ang nasawing opisyal ay miyembro ng Coast Guard Officers’ Course Class 26‑2020 “Hiraya Masiklab.
Patuloy naman ang ahensya sa pakikipag‑ugnayan sa Philippine National Police (PNP) upang mas mapadali ang masusing imbestigasyon at makamit ang hustisya.




