Pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang mga halal na opisyal ng Philippine Councilors League (PCL) Cagayan Chapter, kahapon.

Muling nagwagi bilang Pangulo ng samahan ng mga konsehal ng lungsod at mga bayan sa lalawigan ng Cagayan si Tuguegarao City Councilor Maila Ting Que matapos magkamit ng 150 na boto mula sa 284 na lokal na mambabatas na dumalo sa pagtitipon.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Que ang pagpapatuloy at pagpapaigting sa mga nasimulang serbisyo para sa liga ng mga konsehal na siyang dahilan kung bakit niya nakuha ang suporta ng mayorya ng mga kasapi ng liga.

Una nang sinabi ni Que na isa sa isusulong niya bilang PCL President ay ang mabigyan ang mga konsehal ng kapangyarihan na mag-endorso ng scholars at ang pangalawa ay ang pagbibigay ng ayuda sa mga konsehal at iba pang government employees na gustong mag-aral.

Si Judge Raymond Lauigan ng Tuguegarao City RTC ang officiating judge sa panunumpa ng mga nahalal na PCL na ginanap sa session hall ng Sangguniang Panlalawigan.

-- ADVERTISEMENT --