TUGUEGARAO CITY- Tuloy pa rin ang charity programs ng PCSO sa gitna ng pagpapatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng gambling operations ng nasabing ahensiya.

Sinabi ni PCSO General Manager Heherzon Pambid na bukas pa rin ang kanilang opisina sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City para sa mga idigent patients na nangangailang ng financial assistance.

Bukod dito, sinabi ni Pambid na tuloy din ang kanilang pamimigay ng ambulance sa mga Local Government Units bastat nakasunod ang mga ito sa mga guidelines.

ang tinig ni Pambid

Kaugnay nito, sinabi ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na sana ay muling bubuksan ang gambling activities ng PCSO dahil sa malaki ang naitutulong ang pondo mula dito sa medical financial assistance.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, sinabi ni Mamba na tuloy pa rin ang pamimigay ng PCSO ng financial assistance.

Kasabay nito, nanawagan siya sa sangguniang panlalawigan na gumawa ng resolusyon na pagpapakita ng kanilang suporta sa pagbubukas muli ng gambling activities ng PCSO.

Gayonman, nilinaw ni Mamba na sinusuportahan nila ang naging desisyon ng pangulo

ang tinig ni Mamba

Sinabi ito ni Mamba kasabay ng pagtanggap ng pamahalaang panlalawigan ng P10-m na halaga ng mobile x-ray at dappler ultra sound na ilalagay sa district hospital sa Sanchez Mira.