
Nagsagawa ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Re-Orientation on Disaster Risk Reduction Management Awareness para sa mga tauhan at workforce ng Apayao State College.
Ang orientation ay naglalayong imulat ang kahalagahan ng pagiging handa sa pagdating ng kalamidad dahil ang lalawigan ay vulnerable sa mga natural calamities tulad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Dinaluhan ito ng 66 na mga participants mula sa Luna at Conner campus.
Sa nasabing aktibidad, tinalakay ni Josephine M. Ulayan, PDRRMO-Apayao, ang mga konsepto, kalikasan, at uri ng mga sakuna, pagbabawas ng panganib, at pamamahala sa emergency, na naglalahad ng may katuturan at mahalagang impormasyon upang makatulong na lumikha ng kultura ng pagiging handa at katatagan sa harap ng mga sakuna .









