Bukas ang Dangerous Drugs Board (DDB) and the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)sa pag-downgrade sa marijuana sa isang antas mula sa listahan ng world’s most dangerous drugs.

Lumabas ang nasabing usapin sa isinagawang marathon plenary debates ng Senado sa panukalang pondo para sa PDEA matapos na tanungin ni Senator Robin Padilla ang ahensiya kung susunod ito sa suhestion ang World Health Organization at United Nations.

Sinabi ni Padilla na nangako noon ang DDB at PDEA sa isinagawang pagdinig tungkol sa medical marijuana na susunod sila sa downgrading ng cannabis alinsunod sa patakaran ng WHO at UN.

Ayon kay Senator Ronald dela Rosa, bukas ang PDEA na ituloy ang downgrade, subalit kailangan na amiyendahan muna ang Republic Act No. 9165 dahil naka-annex sa nasabing batas na isang ipinagbabawal na substance.