TUGUEGARAO CITY-Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) sa mga establishimento na nag-iimbak ng litro-litrong “acetone” na mahaharap sa kaukulang parusa.

Ayon kay Rowella Tomas,tagapagsalita ng PDEA-Region 2,ito’y sa kadahilanan na ang acetone ay isang sangkap sa paggawa ng illegal na droga.

Sinabi ni Tomas na kailangang kumuha ng permit ang mga estbalishimento maging ang mga unibersidad na gumagamit ng malaking volume ng acetone.

Pagbabahagi ni Tomas na minsan na rin umanong may nakumpiskahan na establishimento sa Cagayan dahil sa pag-iingat ng malaking volume ng acetone.

Kaugnay nito,hinimok ni Tomas ang publiko na magsumbong sa kanilang mga ahensiya kung may nalalaman na nagtatago ng malaking volume ng acetone.

-- ADVERTISEMENT --

Maging ang mga frontline personnel tulad ng Hotel, resort ay pinayuhan din ni Tomas na ipagbigbigay alam sa PDEA kung makitaan ang kanilang mga kliyente ng mga produktong ginagamit sa illegal na droga.