TUGUEGARAO CITY-Pipilitin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 na tapusin ang kalakaran ng illegal na droga sa rehiyon bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Joel Plaza, Director ng PDEA Region 2, umaabot na sa 1,184 na barangay ang naideklarang drug cleared sa rehiyon simula noong 2017 hanggang sa kasalukuyan.
Aniya, nasa 579 barangay pa o 28 percent ng kabuuang barangay ang pinagtutuunan ng pansin ng naturang tanggapan para sa nagpapatuloy na drug clearing operation.
Sinabi ni Plaza na maganda ang naging ugnayan ng mga barangay officials sa kanilang hanay upang maging tuloy-tuloy ang barangay drug clearing program sa pakikipagtulungan ng kapulisan , LGUs at Department of the Interior and Local Government.
Nagkakaroon din aniya ng re-validation kada buwan ang regional oversight committee sa mga nauna ng barangay na drug cleared upang malaman ang kalagayan ng mga ito para matiyak na wala ng nagaganap na kalakaran sa illegal na droga.