TUGUEGARAO CITY-Idineklara bilang “Drug-Free Workplace” ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 02 ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Mismong si PDEA Regional Director Joel Plaza ang nagdeklara kasabay ng flag-raising ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan na pinangunahana ni Governor Manuel Mamba.

Ayon kay Plaza, negatibo sa paggamit ng illegal na droga ang 319 na empleyado ng kapitolyo na unang sumailalim sa drug testing.

Kaugnay nito, inihayag ni Plaza ang kanyang pagbati kay Mamba dahil sa mahigpit na pagbabantay sa bawat empleyado laban sa illigal na droga.

Tinig PDEA Regional Director Joel Plaza

Samantala, tiniyak naman ni Plaza na sa susunod na taon ay 90 percent ng kabuuang barangay sa Cagayan ay magiging drug cleared na.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, ito’y sa tulong na rin sa iba’t-ibang programa ng lokal na pamahalaan tulad ng “no barangay left behind”.

Sa ngayon, sinabi ni Plaza na mula sa 820 barangay sa lalawigan ay nasa 540 o 66 percent na ang naideklarang drug cleared barangay.