TUGUEGARAO CITY-Patuloy ang paggawa ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Bureau of Jail management and Penology (BJMP)-Ballesteros ng tinapay bilang tulong sa mga frontliners na nagbabantay kontra coronavirus disease (Covid-19).

Ayon kay Jail Senior inspector Alejo Lohan, warden ng BJMP-ballesteros, kasama sa livelihood ng mga PDL ay ang pag-baked ng tinapay kung kaya’t naisipan nilang mamahagi sa mga frontliners personnel lalo na ang mga nasa checkpoint area.

Una na rin aniyang nakapagbigay ng 300 piraso ng tinapay ang kanilang pamunuan sa lahat ng mga frontliners sa ballesteros nitong nakalipas na araw.

Bukod dito, handa rin ang BJMP-Ballesteros na magbigay ng libreng sakay sa mga health workers na hirap sa pag-pasok at pag-uwi sa kanilang trabaho.

Aniya, kontakin lamang ang kanilang himpilan dahil may mga sasakyan namang naka-stand by sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Alejo Lohan

Samantala, binibigyan naman ang mga preso ng pagkakataon na tawagan ang kanilang mga kapamilya ngunit limitado lamang hanggang limang minuto.

Ito’y para makausap ang kanilang mga pamilya dahil sa ngayon ay walang pinapayagang bisita sa loob ng piitan para masiguro na hindi mahahawaan ng virus ang mga PDL.