

Nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment ang mga miyembro ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (CVDRRMC)bilang paghahanda sa nalalapit na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023 at Undas.
kasabay ng pagpupulong ay pinsalamatan ni Leon DG Rafael, Regional Director ng Office of Civil Defense (OCD) Region 2 ang lahat ng mga miyembro sa pakikiisa sa paghahanda at pagbabantay sa kapayapaan at kaayusan ng mga nasabing aktibidad.
Ayon naman kay Bernadeth Montenegro ng Task Force Lingkod Cagayan na naka-standby na ang lahat ng kanilang mga personnel ng pitong station ng TFLC sa probinsya para magbantay sa nalalpit na halalan at undas
Kaugnay nito ay pinayuhan naman ni Engr. Romeo Ganal ng Northern Luzon PAGASA Regional Services Division ang publiko na magdala ng payong o panangga ng ulan dahil posibleng makaranas ng pag-ulan sa mga susunod na araw dahil sa umiiral na amihan.
nakahanda naman ang mga rescue vehicle na gagamitin kung kinakailangan ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT) at Cagayan Provincial DRRM sakaling may mga maitatalang hindi kanais nais na insidente.




