TUGUEGARAO CITY – Nagtatag ang Provincial Disaster Risk and Reduction Management Council ng Isabela ng clusters na reresponde sa panahon ng kalamidad.
Nabuo ito matapos ang isinagawang 3rd quarter special meeting at post disaster assessment sa bagyong Falcon.
Ayon kay Basilio Dumlao,OIC ng PDRRC Isabela layon nito na magkaroon ng maayos na pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan na posibelng maapektuhan ng mga kalamidad.
Kabilang sa mga clusters na ito ay ang telecommunication and warning cluster, non food and food cluster,evacuation management,security and public safety, transportation cluster, search and retrieval cluster,engineering and restoration cluster, education cluster at management and dead cluster.
Sinabi ni Dumlao na ang mga nasabing clusters at pamumunuan ng mga departamento ng pamahalaang panlalawigan at mga ahensiya ng gobyerno.
Sa ngayon aniya ay pinaplantsa na ang papel ng bawat response clusters at ito na ang magiging standard operating procedure kung may sakuna.