TUGUEGARAO CITY- Tiniyak ng Provincial disaster Risk and Reduction Management Office ng Cagayan na handang handa na sila para sa kanilang gagawing monitoring at pagbabantay sa semana santa

Sinabi ni Dennis Naseno ng PDRRMO na binuo na silang dalawang team na magsasalitan na magbabantay sa mga tourist spots o sa mga lugar na maraming tao ang papasyal

Ayon sa kanya,handa na ang mga rubber boats,floating device at mga ambulance na maaaring gamitin sa mga emergency

Bukod dito,tutulong din dito ang Task Force Lingkod Cagayan

Sinabi niya na magkakaroon din sila ng incident commande center sa mga tourist spots sa lalawigan

-- ADVERTISEMENT --