Muling nagpaalala ang Philippine Dermatological Society (PDS) sa publiko na ang injectable glutathione na hindi aprubado ng mga local authorities para sa skin whitening, ay maaaring magdulot ng matinding komplikasyon.
Iginiit ni Dr. Jasmin Jamora, PDS president, walang ebidensiya na epektibo ang glutathione para sa pagpapaputi ng balat, at ang mga gumagamit ng tablets at capsules at intravenous o IV o “drip” gluthathione ay nagsasayang lamang ng oras at kanilang pinaghirapang pera sa mga nasabing produkto.
Inilabas ni Jamora ang babala matapos na makita sa TikTok video ng isang babae mula sa Batangas na halos hindi niya maimulat ang kanang mata dahil sa umano’y impeksiyon, matapos na sumailalim siya sa IV gltathione session.
Sinabi ni Jamora, ang direktang pagturok ng glutathione sa dugo ay maglalantad sa katawan sa mataas na doses ng chemicals, na posibleng magresulta sa seryosong side effects.
Ayon sa kanya, mas mataas ang panganib kung walang supervision ng nonphysicians ang IV glutathione treatments.
Sinabi niya na posibleng makaaapekto ito sa ating kidneys.
Ayon kay Jamora, may mga ulat na ng kidney failure, gastritis, pananakit ng ulo, diarrhea, pagduduwal at pagsusuka, at may nakaranas din ng pantal-pantal sa balat, pamamaga ng mga mata, pagkaputol ng ugat at posible na makaranas ng anaphylactic shock, na posibleng ikamatay.
Dahil dito, hinihikayat ng PDS ang publiko na kumonsulta sa board-certified dermatologists para magrekomenda ng skin whitening products.
Nagbabala naman si Food and Drug Administration spokesperson Pam Sevilla na ang mga indibisual o establishimento na mahuhuling nagbebenta o nagbibigay ng injectable glutathione na pamputi ay mahaharap sa pagkakakulong o pagmumultahin ng hanggang P100,000.