Humigit-kumulang sa 200 residente ng Barangay Bural, Rizal, Cagayan ang nagsagawa ng peace rally bilang suporta sa pamahalaan laban sa insurhensiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Lt. Lloyd Orbeta, tagapagsalita ng 17th Infantry Batallion, Philippine Army na kabilang sa mga nagrally ang mga sektor na binuo ng mga rebeldeng grupo sa lugar gaya ng grupo ng mga magsasaka, kababaihan, at kabataan kasama ang mga Barangay officials.

Bitbit ang mga placards at panunumpa ng katapatan, ipinakita ng mga ito na ayaw na nila ang presensya ng rebeldeng grupo o NPA sa kanilang lugar.

Kasabay nito ay sinunog ng mga nagrally ang bandila ng NPA at tinuligsa ang kanilang karahasan at panlilinlang.

Samantala, sinabi ni Orbeta na nagpahiwatig ng pagsasagawa ng peace rally ang Barangay San Juan at Masi sa bayan ng Rizal.

-- ADVERTISEMENT --