Sumakabilang buhay si dating US President Jimmy Carter, ang peanut farmer na nanalo sa pagkapangulo sa gitna ng watergate scandal at Vietnam War sa edad na 100.
Pumanaw ang pinakamahabang nabuhay na American president kahapon, mahigit isang taon matapos na pumasok sa hospice care, sa kanyang bayan sa Plains, Georgia.
Si Carter ang ika-39 na presidente kung saan naabot niya ang kanyang ambisyon sa kanyang angking talino, malalim na pananampalataya at magandang work ethic, kung saan nagsagawa siya ng diplomatic missions noong dekada 80 at nagpatayo ng mga bahay sa mga mahihirap sa kanyang 90s.
Bilang moderate Democrat, pumasok si Carter sa presidential race noong 1976 na kilalang Georgia governor na may malalaking ngiti.
Namuno si Carter sa gitna ng Cold War pressures, hindi magandang oil markets at issue sa racism, karapatan ng mga kababaihan at ang papel ng America sa mundo.
Ang kanyang kinilalang malaking achievement ay ang Mideast peace deal kung saan siya ang namagitan sa pag-uusap sa pagitan nina President Anwar Sadat and Israeli Prime Minister Menachem Begin sa loob ng 13 araw noong 1978.
Nagkaroon naman ng lamat ang kanyang pamumuno ng walong Americans ang namatay sa nabigong hostage rescue noong April 1980, na nagresulta sa kanyang pagkatalo kay Republican Ronald Reagan.
Isang taon na nakipaglaban si Carter sa sakit na cancer.
Nanatili siya sa hospice care, na walang medical interventions buhat noong February 2023 dahil sa pagnanais niya na makasama ang kanyang pamilya sa Carter Center.
Siya ay may apat na anak, 11 na apo at 14 na apo sa tuhod.
Namatay naman ang kanyang maybahay na si Rosalynn noong November 19 sa edad na 96.
Ayon sa Carter Center, magkakaroon ng public observances bilang pagkilala sa dating pangulo sa Atlanta at Washington, at susundan ito ng pribadong libing sa Plains, na ngayon ay isinasapinal pa lamang.