Ipinag-utos ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang imbestigasyon upang matukoy ang nasa likod ng kumalat na pekeng medical bulletin tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa PNP, malinaw na paglabag sa batas ang paggawa at pagpapakalat ng huwad na dokumento na naglalayong iligaw ang publiko.

Kinumpirma ng Malacañang na peke ang dokumento at sinabing maayos ang kalagayan ng Pangulo at patuloy na ginagampanan ang kanyang mga tungkulin.

Sinabi rin ng Presidential Communications Office na pinag-aaralan na ang mga legal na hakbang laban sa mga responsable.

Nilinaw din ng St. Luke’s Medical Center na falsipikado ang dokumento at iginiit ang mahigpit na pagsunod sa data privacy at confidentiality ng pasyente.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Marcos na siya ay nasa mabuting kalagayan at nakabalik na sa trabaho.