Binuksan na ang isang bahagi ng Peñablanca–Callao Cave Road sa Barangay Quibal, Peñablanca, Cagayan, matapos ideklarang one-lane passable ng DPWH–Cagayan 3rd District Engineering Office ngayong Disyembre 1, 2025.

Una nang isinara ang kalsada dahil sa landslide at pagguho ng lupa na nagdulot ng road sinking sa lugar.

Saklaw ng pagbubukas ang mga segment ng kalsada mula K0483+500 hanggang K0483+650 at K0483+400 hanggang K0484+020.

Gayunman, dahil isang linya lamang ang maaaring madaanan, pinaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat, sundin ang traffic management, at maging alerto sa posibilidad ng karagdagang pagguho ng lupa.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Lokal na Pamahalaan ng Peñablanca sa DPWH para sa tuloy-tuloy na monitoring at upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

-- ADVERTISEMENT --

Hinikayat din ang lahat na sumubaybay lamang sa opisyal na anunsiyo ng mga kinauukulang ahensya para sa mga susunod na update.