TUGUEGARAO CITY- Hihilingin ng Provincial Environment and Natural Resources Office sa Batanes sa Department of Environment and Natural Resources o DENR na magbigay ng konsiderasyon sa implementasyon ng total log ban sa probinsiya.

Sinabi ni PENRO Officer Marcelo Bumidang na magsasagawa sila ng inventory sa mga puno na maaaring putulin na gagamitin sa pagpapatayo ng temporary shelter ng mga mamamayan na nasalanta ng lindol sa Itbayat, Batanes.

Ayon kay Bumidang na ipinaalam ng mga residente na putulin ang kanilang mga pananim na puno para sa kanilang ipapatayong pansamantalang tirahan.

Ipinaliwanag ni Bumidang na minimal lang ang puputulin sa mga natural grown forest trees kung papayagan sila ng DENR central office na magbigay ng permi para sa pamumutol.

Tiniyak niya na babantayan nila ang pamumutol ng mga puno upang hindi ito maabuso.

-- ADVERTISEMENT --

Una rito, sinabi ni Batanes Governor Marilou Cayco na may ilang evacuees na ang nagkakasakit na naninirahan sa mga tent dahil sa pabago-bagong panahon kaya kailangan na may maibigay na sa kanila na maayos na tirahan.