TUGUEGARAO CITY- Ikinalungkot ng People’s National Movement for Federalism ang hindi pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa federalism sa kanyang State of the Nation Address kahapon.

Sinabi ni Manrico De Leon, chairman ng nasabing grupo sa Cagayan Valley na isa ito sa mga ikinampanya ng pangulo sa mga nakalipas na taon at pinondohan ng gobyerno ang pag-aaral sa federalism at charter change.

Gayonman, naniniwala siya hindi ito nangangahulugan na isinusuko na ng panngulo ang federalism sa halip ay isusulong pa rin ito sa ibang paraan at hindi na kailangang sabihin pa sa kanyang SONA.

Vc de leon july 23 a

ang tinig ni De Leon

Idinagdag pa ni De Leon na isa ang federalism sa solusyon sa mga kinakaharap na problema ng bansa tulad ng korupsion, peace and order at sa insurgency na sinabi ng pangulo sa kanyang SONA.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila nito, sinabi ni De Leon na itutuloy pa rin ang kampanya sa federalism basta’t suportado ito ng pangulo.

Samantala, sinabi ni De Leon na suportado niya na ang panukala na ipagpaliban muna ang barangay eleksion sa susunod na taon upang mapagtuunan muna ng pansin ang mga prioridad ng pamahalaan.