Lumakas pa si Pepito at isa na itong ganap na bagyo habang bumibilis ang paglakas nito.

Tinayang kikilos sa kanluran hilagang-kanluran sa susunod na limang araw.

Sa track forecast, posibleng mag-landfall si Pepito sa bisinidad ng Catanduanes bukas ng gabi o madaling araw ng Linggo.

Gayonman, dahil sa limits sa forecast confidence cone, hindi inaalis ang scenario na ito ay mag-landfall sa Camarines Sur, Albay, o sa Sorosogon sa parehong time frame, sa karagatan ng Northern Samar bukas o gabi , o sa silangang karagatanb ng Quezon o Aurora sa Linggo ng hapon o gabi.

Tinaya din na kikilos si Pepito sa kalunran hilagang-kanluran bukas at dadaan o lalapit sa landmass ng Bicol Region, Quezon, Central Luzon provinces, at Pangasinan bago ito papuntang West Philippine Sea sa Linggo ng gabi o umaga ng Lunes.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang paglakas ni Pepito ngayong araw na ito hanggang bukas at posibleng maging super typhoon category bago ito mag-landfall bukas ng gabi o umaga ng Linggo.

Ang sentro ng mata ng bagyo ay nasa 620 km silangan hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, at kumikilos sa kanluran sa bilis na 30 km/h.

Tagaly nito ang lakas ng hangin na 130 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 160 km/h.

Nakataan ang signal number 2 ang eastern portion of Northern Samar (Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig), ang northern portion of Eastern Samar (Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog), habang signal number 1 naman sa eastern portion of Northern Samar (Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig), ang northern portion of Eastern Samar (Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog), nalalabing bahagi ng Northern Samar, nalalabing bahagi ng Eastern Samar, Samar, at Biliran.