Patuloy ang pagkilos ng bagyong Pepito sa kanluran hilagang-kanluran sa Philippine Sea.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 145 km kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 160 km/h.

Nakataas ang signal number 3 sa northern at western portions ng Ilocos Sur, northwest portion ng La Union, at western portion ng Abra.

Signal number 2 sa Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Ilocos sur, nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, nalalabing bahagi ng Abra, kanlurang bahagi ng Mountain Province, Benguet, at northern portion ng Zambales.

-- ADVERTISEMENT --

Signal number 1 sa Apayao, Kalinga, nalalabing bahagi ng Mountain Province, Ifugao, western portion ng Cagayan, Nueva Vizcaya, northern at central portion ng Nueva Ecija, Tarlac, at central portion ng Zambales.

Patuloy ang pagkilos ni Pepito pa-hilagang-kanluran sa kanluran hilagang-kanluran ngayong araw na ito sa West Philippine Sea hanggang sa lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility ngayong umaga o mamayang hapon.