Lumakas pa si Pepito at malapit na itong maging typhoon category.
Dahil sa high pressure sa south Japan, tinaya na kikilos si Pepito sa kanluran sa susunod na 12 oras bago ito liliko sa kanluran hilagang kanluran sa hilagang-kanluran sa Philippine Sea.
Sa track forecast, posibleng mag-landfall si Pepito sa silangang kagatatan ng Central o Southern Luzon bukas, araw ng Sabado.
Posibleng lalabas naman ito sa Philippine Area of Responsibility sa Lunes, November 18 ng hapon o gabi.
Gayonman, posibleng magbago ang track ng bagyo, kaya posible rin na magbabago ang lugar kung saan ito mag-landfall.
Tinataya din na lalo pang lalakas si Pepito at magiging bagyo sa loob ng 12 oras at posibleng maging super typhoon category bukas ng gabi at posibleng maabot ang peak intensity nito sa kanyang landfall.
Dahil dito, patuloy itong magdadala ng masungit na panahon lalo na sa coastal areas ng Southern Luzon at Central Luzon.
Namataan ang sentro ng mata ng bagyo sa 795 km east ng Guiuan, Eastern Samar, at kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 km/h.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 119 km/h malapit sa gitna at pagbugso na 135 km/h.
Dahil kay Pepito, nakataas na ang signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
Luzon
Catanduanes, the eastern portion of Camarines Norte (Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud), the eastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Goa, Siruma, Tigaon, Sagñay, Calabanga, Naga City, Magarao, Bombon, Pili, Ocampo, Iriga City, Buhi), the eastern portion of Albay (Rapu-Rapu, City of Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi), and the eastern and southern portions of Sorsogon (Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz, Castilla)
Visayas
Northern Samar, the northern portion of Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Oras, Dolores, Can-Avid), and the northeastern portion of Samar (Matuguinao, San Jose de Buan)