Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na lughang mapanganib na tropical cyclone ang bagyong Pepito (international name Man-yi).

Sinabi ni Pagasa Administrator Nathaniel Servando, napa-critical ang susunod na 24 oras.

Ayon sa kanya, mabilis ang pagkilos ni Pepito na 30 kilometers per hour.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 130 km/h malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 160 km/h.

Posibleng maging super typhoon si Pepito bago ang inaasahang landfall bukas ng gabi o madaling araw ng Linggo.

-- ADVERTISEMENT --

Huling namataan si Pepito sa 630 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar kaninang 10 a.m.

Tinataya na lalo pa itong lalakas habang lumalapit ito sa landmass.

Magdadala ito ng malalakas na mga pag-ulan na posibleng magbubunsod ng mga pagbaha, landslides, storm surge.

Sinabi pa ni Servando na ang mga lugar na posibleng maaapektohan ng bagyo ay ang Eastern Visayas, Bicol Region, Central Luzon at Quezon.

Posibleng mag-landfall si Pepito sa Catanduanes bukas.

Gayonman, pinapayuhan ang Samar provinces, Bicol Region, Mimaropa at ilang bahagi ng Central Luzon na maghanda sa forecast track ni Pepito.

Samantala, kaninang 11:00 a.m., nakataas ang signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

The eastern portion of Northern Samar (Mapanas, Gamay, Palapag, Lapinig)
The northern portion of Eastern Samar (Arteche, Oras, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Maslog)

Signal number 1
The southeastern portion of Quezon
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Albay
Sorsogon
Masbate
Rest of Northern Samar, the rest of Eastern Samar, Samar, and Biliran