Tutol ang mga anti mining group sa planong renewal sa mining operation ng Oceanagold Philippines Incorporated (OGPI) sa Nueva Vizcaya.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Deo Montesclaros ng Alyansa ng Novo Vizcayano para sa Kalikasan na pipigilan nila ang planong pagpapalawig ng karagdagang 25-taon sa Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) ng OGPI na matatapos ang kontrata sa June 20, 2019.
Iginiit ni Montesclaros ang pagpapatigil sa operasyon ng Australian mining company sa Didipio, Kasibu dahil sa ibat-ibang mga paglabag sa mining laws.
Bukod sa kalikasan, lumalabas sa pag-aaral na nakakasira rin aniya ang naturang operasyon ng pagmimina sa kagubatan, kalidad ng tubig, mga sakahan at iba pa.
Vc Montesclaros A June 15
Sa panahon ni dating Environment Secretary Gina Lopez ay mayroong mahigit dalawampu na malalaking minahan sa bansa ang ipinasara kabilang na ang OGPI.
Subalit nadismaya si Montesclaros nang hindi naipagpatuloy ni Lopez ang adbokasiya matapos siyang i-reject ng Commission on Appointment (CA).
Samantala, kasabay ng pagtatapos ng kontrata ng OceanaGold sa June 20, 2019 ay magsasagawa ng solidarity march ang ibat-ibang grupo para ipahayag ang kanilang pagtutol sa pagpapalawig sa operasyon ng pagmimina.
Vc Montesclaros B June 15