TUGUEGARAO CITY-Idineklara bilang “persona non grata” ang mga miembro ng New peoples Army (NPA) at mga progresibong grupo sa Brgy Balanni, Sto niño, Cagayan.
Ayon kay Lt. Allen Paul Tubojan, tagapagsalita ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army, nagkakaroon na umano ng positibong epekto ang kanilang community support program upang maipakita at mailapit ang mga programa ng pamahalaan sa komunidad.
Nilinaw rin niya na kusang desisyon ng mga Brgy officials ang pagkakadeklarang personan non grata laban sa mga NPA at maging sa mga progresibong grupo tulad ng ACT o Alliance Concerned Teachers, Anakpawis, Anakbayan, Karapatan, Bayan Muna, League of Student, Gabriela, Rural missionary of the Philippines at kilusang magbubukid ng Pilipinas.
Aniya, ang pagkakadeklara ng mga progresibong grupo bilang “Persona Non Grata” ay dahil sa ginagawang terrorist act sa lugar na nagbibigay ng takot sa mga residente.
Matatandaan na una naring nagdeklara ang Brgy. Tamuko sa kaparehong bayan bilang “persona non Grata” ng mga miembro ng NPA.