Niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang southern Peru na may lalim na 28 kilometers, ayon sa United States Geological Survey (USGC).

Naglabas na rin ang Pacific Tsunami Warning Center (PWTC) ng alert warning para sa posibleng tsunami waves na aabot sa isa hanggang tatlong metro ang taas sa baybayin ng Peru.

Batay sa pagtaya ng PWTC, posibleng magkaroon ng mapaminsala na tsunami waves sa ilang baybayin habang wala naman umanong panganib ng tsunami sa US West Coast.

Naglababas din ng Tsunami alert ang Geophysical Institute ng Peru.

Tumama ang lindol, walong kilometro ang layo mulasa kanluran ng Atiquipa, nasa 600 kilometers ang layo mula sa katimugang bahagi ng kabisera na Lima.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsasagawa na ng pagsubaybay ang pamahalaan ng Peru sa sitwasyon at inaalam na ang mga pinsala.

Sinabi ng mga residente ng Atiquipa sa social media na naramdaman nila ang malakas at bahagyang matagal na pagyanig.