
Bumawi nang bahagya ang piso laban sa dolyar matapos ang dalawang sunod na araw na paghina nito.
Nagsara ang piso sa P62.725 kada dolyar nitong Martes, mas malakas ng 5.5 sentimos kumpara sa P62.78 noong Lunes.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. chief economist Michael Ricafort, nakatulong sa pag-angat ng piso ang pagbaba ng presyo ng krudo sa global market habang inaabangan ang posibleng diplomatic talks para maresolba ang tensyon sa Middle East.
Nakatulong din umano ang pagtatapos ng Philippines-European Union Free Trade Agreement, gayundin ang pana-panahong pagtaas ng importasyon ngayong ikatlong quarter bilang paghahanda sa pagtaas ng demand sa lokal at export markets sa ikaapat na quarter.






