Namonitor ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pamemeste ng red-striped soft scale insects (RSSI) na may kakayanang makabawas ng sugar content ng 50% sa mga tubuhan sa anim na lugar sa northern Negros Occidental.

Sa pahayag, sinabi ng SRA na lumikha na ito ng task force na pinamumunuan ni SRA Board Member David Andrew Sanson, para kontrolin ang pamemeste at humiling ng quarantine measures mula sa Department of Agriculture (DA).

Inabisuhan ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona ang mga sugar farmer na maging alerto kung saan nila binibili ang kanilang cane points, dahil pinaghihinalaang ang pamemeste ay nadala mula Luzon patungong Negros.

Ayon pa sa SRA chief, pinapataas ng RSSI ang production cost at pinapababa ang produksyon.