Ibinasura ng korte sa Pasig ang petition for bail na inihain ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa sa kanyang kasong qualified trafficking.

Ito ang kinumpirma ni Prosecutor General Richard Fadullon.

Nakasaad sa resolution ng korte na ang pagtanggi sa petisyon ni Guo ay dahil sa malakas ang mga ebidensiya na iprinisinta ng prosecution laban sa mga akusado sa isinagawang bail hearing.

Kasalukuyang nakakulong si Guo sa pasig City Jail Female Dormitory.

Kinasuhan si Guo at iba pa sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, as amended by the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 and the Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

-- ADVERTISEMENT --

Ang kaso ay may kaugnayan sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bamban noong Hunyo, kung saan mahigit 800 Filipinos at mga dayuhan ang nailigtas.

Nag-plead not guilty si Guo sa mga nasabing kaso noong Setyembre.