FILE - The Olympic rings are set up at Trocadero plaza that overlooks the Eiffel Tower, a day after the official announcement that the 2024 Summer Olympic Games will be in the French capital, in Paris on Sept. 14, 2017. The United States is predicted to top the medals tables — both the overall count and gold-medal count — for the 2024 Paris Olympics, according to one forecast released on Friday, Jan. 26, 2024, six months before the Games open on July 26. (AP Photo/Michel Euler, File)

Bumaba ng 14% ang bilang ng mga tinatawag na “petty crimes” sa Paris mula nang nagsimula ang Olympic Games.

Ayon kay Lucio Cruz Sia Jr., Bombo International News Correspondent sa Paris, France, resulta ito ng mataas na bilang ng presensya ng mga police officers na katumbas ng 30K kada araw na naka-deploy sa mga pampublikong lugar.

Batay sa datos, nabawasan ng 24% ang insidente ng holdap at snatching habang 10% ang ibinaba ng car theft.

Nasa 200 naman ang naaresto kung saan mahigit 100 ang ikinostodiya sa pulisya.

Samantala, umaasa naman si Outgoing French Prime Minister Gabriel Attal na magkaroon ng positibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang Paris Games sa kabila ng naitalang pagbaba ng kanilang tourist arrival.

-- ADVERTISEMENT --