Hindi pa rin itinitigil ang paghahanap sa apat na miyembro ng Philippine Coast Guard na nawala sa kasagsagan ng paghagupit ng Supertyphoon Egay noong July 26.

Ayon kay Coast Guard Ensign Jesa Pauline Villegas, tagapagsalita ng PCG Northeastern Luzon, na bagamat isa’t-kalahating buwan na mula nang mapaulat ang pagkawala ng apat na rescuers ay hindi pa aniya nila itinitigil ang search and rescue operations sa pag-asang makita pa silang buhay.

Sa ngayon, nakatutok ang rescue team sa foot patrol at information gathering mula sa mga coastal areas sa lalawigan ng Cagayan hanggang Batanes.

Sinabi ni Villegas na bukod sa pabago-bagong lagay ng panahon, malaking hamon din sa mga rescuers ang terrain sa mga isla na kanilang hinahalughog.

Matatandaang narekober na ng mga otoridad ang sinakyang bangka ng mga ito sa bisinidad ng Brgy Fuga, Aparri nitong July 30.

-- ADVERTISEMENT --