Patuloy ang Pilipinas at Australia sa pagpapalakas ng kanilang ugnayang pandagat matapos muling pagtibayin ang kanilang pangako sa mutual recognition ng mga sertipikasyon ng mga seafarer.

Layunin ng kasunduan na bawasan ang mga hadlang sa administrasyon at suportahan ang pakikipagtulungan ng dalawang bansa sa larangan ng shipping at logistics.

Nagpulong noong Biyernes sa Maynila si Australian Ambassador Marc Innes-Brown at Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Sonia Malaluan upang pormal na tapusin ang nasabing kasunduan.

Inanunsyo rin ng Australian diplomat ang pormal na pag-endorso ng Australia sa Manila Declaration on Seafarers’ Human Rights, Safety and Well-being na pinangunahan ng Pilipinas.

Kasunod ang mga pag-unlad na ito ng muling pagkakahalal ng Australia at Pilipinas sa International Maritime Organization (IMO) Council, gayundin ng pagdiriwang ng dalawang bansa ng ika-80 taon ng kanilang ugnayang bilateral ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --