Hindi naghahanap ng armadong pananalakay ang Pilipinas bunsod ng pinaka huling insidente sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.Ito ang binigyang-diin ng tagapagsalita ng National Task -WPS.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela, na ang misyon ng AFP nuong June 17,2024 ay magsagawa ng resupply mission para duon sa mga sundalong naka station sa BRP Sierra Madre at magsagawa na rin ng rotation sa mga tropa.
Sinabi ni Tarriela ang intensiyon ng People’s Republic of China, ay pigilan ang resupply operation na maging matagumpay ito.
Makikita sa nasabing insidente na gumamit ang China Coast Guard officers ng tear gas, ipinakita ang kanilang mga bladed weapons, binangga at sinira ang rigid hull inflatable boats ng Philippine Navy at binato ang mga sundalo na naka angkla sa gilid ng BRP Sierra Madre.
Nilinaw naman ni Tarriela na inatasan siya ng Chairman ng NTF-WPS na linawin ang insidente.
Nuong Biyernes nagpulong ang National Maritime Council (NMC) at inanunsiyo nito na kanilang inirekemunda kay Pang. Ferdinand Marcos ang isang polisiya na isapubliko ang pagsasagawa ng rotation at reprovision missions sa BRP Sierra Madre at mananatili itong routinary at regular na ang iskedyul nito.
Siniguro naman ng pamahalaan ang commitment nito na isulong ang national interest ng Pilipinas.