Ipinakilala ng Department of Tourism sa mga local at international tourist ang mga sikat na Muslim-friendly destinations sa bansa.

Ito ay sa pamamagitan ng tatlong araw na Salaam 2024: Travel and Trade Expo sa Quezon City na ginanap kahapon.

Layon ng aktibidad na ito ay nagpapataas ng visibility ng Filipino Halal at Muslim-friendly sa bansa para sa parehong mga produkto at destinasyon.

Ayon sa ahensya, ang showcase na ito ng Halal-certified at Muslim-friendly na mga serbisyo ay nagpapakita ng kahalagahan na ibinibigay nito sa pagtutustos ng mga lokal at dayuhang Muslim travelers.

Sa isang panayam, sinabi ni Tourism Sec. Christina Frasco na ang Quezon City ay isang angkop na lugar para sa Salaam, bilang isa sa mga Muslim-friendly local government units sa Metro Manila.

-- ADVERTISEMENT --

Tampok sa Salaam 2024 ang higit 30 booth na nag-aalok ng mga discounted travel package, accommodation, at lokal na delicacy at crafts.

Ilan sa mga produktong ipinakita ay ang sikat na Sultan Kudarat Robusta coffee at ang makukulay na damit ng Yakan ng Zamboanga.