Nagpadala na ng note verbale ang Pilipinas sa China kaugnay sa panibagong insidente sa Ayungin shoal na ikinasugat ng ilang mga tropang Pilipino.
Ito ang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa international media conference kung saan tinalakay ang naturang isyu sa West Philippine Sea.
Una ng naghin ng panibagong diplomatic protest ang DFA noong nakalipas na linggo laban sa mga aksiyon ng China sa kasagsagan ng resupply mission.
Ikinokonsidera din ng PH na ipatawag si Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay sa insidente.
Sa pagdinig din sa Senado nitong Martes, sinabi ni Sec. Manalo na sisikapin nilang ibalik ang dayalogo sa pagitan ng PH at China sa gitna ng nagpapatuloy na tensiyon sa WPS at nanindigan na mangingibabaw pa rin ang dayalogo at diplomasiya kahit pa sa pagharap sa mga seryosong insidente.