Kampeon ang Philadelphia Eagles sa Super Bowl LIX matapos na dominahin ang Kansas City Chiefs, 40-22 sa National Footbal League na ginanap sa New Orleans.
Tinalo ng Eagles ang Chiefs at tinapos ang kanilang tangka na makuha ang kanilang third-straight title.
Naghagis si Patrick Mahomes ng two interceptions at na-sack ng anim na beses.
Nakapagtala naman ng tatlong touchdown si Eagles quarterback Jalen Hurts.
Nanood sa laro si US President Donald Trump, kung saan ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Super Bowl.
Samantala, nagtanghal si Pulitzer Prize-winning rapper Kendrick Lamar sa halftime show sa kanyang “Not Like Us” diss track.
Kabilang din sa crowd si Pop Superstar Taylor Swift at iba pang Holllywood A-listers at musicians.
Bago ang laro, ipinakilala ni actor Jon Hamm ang Chiefs habang si Bradley Cooper naman sa Eagles.
Kaugnay nito, nakuha ni Hurts ang pinakamalaking individual honor – ang Super Bowl LIX MVP.
Nagtapos si Hurts sa 221 yards passing, dalawang passing touchdowns atg tumakbo para sa sa iba habang binasag din niya ang kanyang sariling record para sa pinakamaraming running yards sa QB sa Super Bowl history na 72.
Pinuri ni Hurts, 26-anyos ang kanyang teammates sa pagtulong sa kanya para marating ang nasabing antas ng kanyang karera.