Magbabayad na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa emergency procedures at iba pang serbisyo para sa mga pasyente na hindi na kailangan na i-confine sa mga ospital.
Sa ilalim ng “Outpatient Emergency Care Benefit (OECB)” package, na naging epektibo nitong Enero 1, lahat ng outpatient services at commodities na ibinigay sa emergency department (ED) at accredited health care facilities ay masasaklaw, kabilang ang mga serbisyo na ipinagkaloob bago ang pagdating ng pasyente sa ospital na transport sa ED.
Magagamit din ang package sa mga pasyente na hindi na kailangan ng admission at pinalabas sa ospital sa loob ng 24 oras pagkatapos dumating sa ED, o namatay habang isinasailalim sa gamutan.
Kabilang sa mga kaso na saklaw ng OECB package ay pagkahilo, diarrhea, pagsusuka, pagtaas ng blood pressure, nontraumatic bleeding, siezures, sever headache at sexual assault.
Kasama din dito ang essential emergency care services tulad ng diagnostic (electrocardiogram), ED services (nebulization, intubation), imaging (X-ray, CT scan), laboratory (blood tests) at mga gamot.
Ayon sa Philhealth na ang mga pasyente na mag-avail ng benefit package ay kailangan na pumunta sa OECB-accredited health facilities bagamat maglalabas pa lamang sila ng listahan ng mga nasabing pasilidad.