Pinanumpa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong presidente at chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corp. sa gitna ng mga kontrobersiya na bumabalot sa nasabing tanggapan.
Nanumpa si Dr. Erwin Mercado sa MalacaƱang kahapon, at pinalitan niya si Emmanuel Ledesma Jr., na naharap sa mga panagawan ng pagbibitiw nitong mga nakalipas na buwan.
Ang pagpasok ni Mercado ay sa gitna ng mga lumalakas na panawagan na palitan na si Ledesma dahil sa mga alegasyon ng “inefficient” na pamamahala sa pondo ng PhilHealth.
Matatandaan, nitong December 2024, nanawagan ang Nagkaisa Labor Coalition kay Marcos na tanggalin si Ledesma at ang buong board ng PhilHealth matapos na bigyan ng Kongreso ang ahensiya ng zero subsidy sa 2025 General Appropriations Act (GAA).
Sa budget deliberation sa Senado noong November 2024, binatikos ng mga senador si Ledesma dahil sa walang galang na mga sagot nang pinagpaliwanag tungkol sa P89.9 billion na sobrang pondo na inilipat sa national treasury.
Marami rin ang bumatikos sa PhilHleath matapos na maisiwalat na naglaan ito ng P138 million para sa kanilang year-long anniversary celebrations 2025.
Binigyang-diin ng mga kritiko na hindi makatuwiran ang nasabing paggastos, lalo na at maraming mamamayan ang nahaharap sa hamon sa pag-access sa healthcare services.
Ayon sa Presidential Coomunications Office, ang papalit kay Ledesma ay isang US-trained orthopedic surgeon na may 35 taon na karanasan sa hospital management.
Bago siya itinalaga bilang chief ng PhilHealth, si Mercado at vice chair ng Mercado General Hospital/Qualimed Health Network buhat noong March 2021.