
Nagtulungan ang PhilHealth, mga HMO at pribadong health insurers para mapalawak ang coverage at mabawasan ang out-of-pocket expenses ng mga Pilipinong may parehong public at private health insurance.
Sa ilalim ng kasunduan, PhilHealth ang unang sasagot sa primary care services sa pamamagitan ng YAKAP Program, habang sasagutin naman ng private insurers ang mga gastusing hindi saklaw o lumampas sa PhilHealth benefits.
Kabilang sa YAKAP coverage ang konsultasyon, laboratory tests, piling gamot at cancer screening, habang maaaring sagutin ng private insurers ang specialized procedures, branded medicines at hospital room upgrades.
Kabilang sa mga partner ang Intellicare, Maxicare, Medicard, Pacific Cross Health Care, iCare at iba pang HMO at insurers.




