TUGUEGARAO CITY – Magsasagawa ng recruitment ang Philippine Air force sa mga nagnanais pumasok sa kanilang hanay sa Marso 13 hanggang 15, 2020 sa Region 2.
Ayon kay LTC Augosto Padua, group commander tactical operation group 2, Philippine Air Force Cauayan City, Marso 13 at 15 ay isasagawa ang pagsusulit sa Isabela State University (ISU) Cauayan campus at Marso 14 ay gaganapin naman sa Cagayan State University(CSU) Carig Campus sa lungsod ng Tuguegarao.
Aniya, kailangan nasa testing center na ang mga applikante sa oras na alas singko ng umaga.
Kaugnay nito, dapat ay Filipino citizen, single at hindi bababa sa 5ft ang height ng nais maging miembro ng PAF.
Ngunit para sa mga Indigenous peoples na mas mababa sa 5ft ang tangkad na nais pumasok ay kumuha lamang umano ng clearance o certificate sa NCIP o National Commission for Indigenous Peoples para sila’y makapasok.
Sinabi ni Padua, sa mga mag-eexam na gustong pumasok sa pagiging opisyal, kailangan ay degree holder o nakapagtapos sa kolehiyo na may edad 21 ngunit hindi tataas sa 29 year old bago ang admission training sa September 14, 2020.
Para naman sa nga candidate soldier, kailangan ay K to 12 graduate o may 72 units sa kolehiyo at may edad 21 ngunit hindi tataas sa 26 year old bago ang admission training sa August 18, 2020.
Dagdag pa ni Padua, hindi rin pinapayagan ng kanilang hanay ang mga applikante na may tattoo, may hikaw para sa mga lalaki at sa mga babae ay kailangan ay isa lamang ang hikaw sa mga tenga.